Panalangin para sa paghahanda para sa ika-Dalawampu't–Limang taong Pagka-parokya ng San Antonio de Padua


Diyos naming Ama, lubos kaming nagpupuri at nagpapasalamat sa paghirang mo sa amin bilang isang parokya na may pag-ibig, pagtulong, pagkakaisa at pananampalataya.


Nagpapasalamat kami sa biyayang iyong ipinagkaloob sa amin bilang iyong simbahang buhay. Kami nawa ay patuloy mong kupkupin, ingatan at gabayan lalo ngayong masaya naming pinaghahandaan ang ika-Dalawamput-Limang taong pagka-parokya. Patuloy mong paunlarin ang aming pananampalataya sa pamamagitan ng mga pag-aaral ng iyong mga salita, magsabuhay ng iyong turo at aral bilang mga tunay na kristyano , magkaroon kami ng ganap napagbabago sa aming mga sarili  at mapalalim ang aming ugnayan sa iyo.


Nawa sa gabay at panalangin ng aming mahal na patrong si San Antonio de Padua masamahan mo kami sa aming paglalayag ng buhay patungo sa iyong anak na si Hesus ng may  panalangin ng Mahal na Birheng Maria upang higit ka naming mapaglingkuran na may tunay nakababaang-loob at pagmamalasakit sa bawat isa bilang isang parokyang naglalayag tungo sa pananampalatayang maunlad.


Hinihiling namin ito sa ngalan ng iyong anak na si Hesus na aming Panginoon na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng  Espiritu Santo magpasawalang-hanggan. Amen.


San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

San Roque, ipanalangin mo kami.
San Bartolome, ipanalangin mo kami.
San Antonio de Padua, ipanalangin mo kami.
MahalnaBirheng Maria, ipanalangin mo kami.