Paano I-install ang SAdP Parish Android App

1. Sa inyong android phone, i-click ang San Antonio de Padua Parish App link na ito. Bubuksan ng link ang Google Play Store ng inyong phone. 




2. Pindutin ang button na "Install". Sa Illustration sa ibaba, ang Install button ay itinuturo ng pulang arrow.




3. Matapos i-click ang Install Button, makikita ang mensaheng "Downloading". Hintaying matapos ang download at installation.

4. Sa Google Play Store, pindutin ang Open Button para agad na mabuksan ang San Antonio de Padua Parish app. Maaari ring mabuksan ang app sa App Menu ng inyong phone.



5. Umpisahang gamitin ang ating Parish App. Tandaang ito ay nasa Beta Stage pa lamang. Ibig sabihin, marami pang dapat i-improve dito. Kinakailangan ang inyong mga suggestion/ feedback para sa ikagaganda pa ng app na ito.